DOF, tutol sa work-from-home arrangement sa mga negosyo na nasa special economic zones

Tutol ang Department of Finance (DOF) sa hirit na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng work-from-home (WFH) arragements sa mga negosyo na nasa special economic zones (SEZ).

Ayon kay DOF Assistant Secretary Juvy Danofrata, pumayag ang Fiscal Incentives Review Board (FIRB) sa work-from-home set-up sa Registered Business Enterprises (RBES) bilang pansamantalang solusyon sa hindi pagpasok ng mga empleyado dahil sa mga lockdown dulot ng COVID-19.

Pagdidiin ni Danofrata, kailangan nang baguhin ang mga polisiya para sa pagsisimula na pagbubukas ng mga negosyo.


Dagdag pa ni Danofrata, dahil sa mga apela at panawagan ng ilang sektor na ipagpatuloy ang WFH para sa Information Technology – Business Process Management Sector nang hindi nawawala ang kanilang “tax benefits” sa mga negosyo na nasa SEZ’s.

Pero, ipinunto ng opisyal na base sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE act, maibibigay lamang ang “tax perks” kung ang negosyo ay nasa loob ng ecozone o freeports.

Paglilinaw pa ni Danofrata, hindi naman pinagbabawalan ang mga negosyo na ituloy ang kanilang WFH set-up, ngunit babawiin lamang sa kanila ang ibinibigay na tax incentives.

Facebook Comments