DOF, umaasang maisasabatas ang panukalang Tax Amenesty Law sa Setyembre

Manila, Philippines – Umaasa ang Department of Finance (DOF) na maisasabatas sa Setyembre ang panukalang Tax Amnesty Law.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, kapag naging batas ito, maipatutupad ito sa Abril ng susunod na taon.

Plano aniya ng gobyerno na isabay ang Tax Amnesty Program sa panahon ng paghahain ng Income Tax Returns (ITR).


Dagdag pa ng kalihim, handa rin ang gobyerno na magbigay ng insentibo sa mga taxpayer na magbabayad ng kanilang tax deficiencies bago ang April 2019.

Inaasahang makakakolekta ang finance department ng higit 13 bilyong piso kapag ipinatupad ang Tax Amnesty Program.

Facebook Comments