DOG AT CAT BITE CASES, TUMATAAS SA DAGUPAN

Patuloy na tumataas ang kaso ng kagat at galos mula sa aso at pusa sa Dagupan, ayon sa City Health Office.

Mula Enero hanggang Nobyembre, mahigit 26,700 residente ang nabigyan ng anti-rabies treatment, o halos 2,500 kaso kada buwan.

Karamihan sa mga insidente ay nagmumula sa sariling alagang hayop, kung saan nadadapaan, natatapakan, o maling nahahawakan ng pet owners ang kanilang mga aso o pusa.

Paalala ng health office, kahit mababaw na galos ay dapat seryosohin dahil maaari pa ring mangailangan ng anti-rabies shots.

Sa ngayon, nasa 3,169 ang rehistradong aso at pusa sa lungsod, ngunit mas mataas pa rin ang bilang ng mga naitatalang kaso ng kagat at galos.

Libre ang unang dalawang dose ng anti-rabies vaccine sa Animal Bite Center, habang may bayad ang ikatlong dose maliban kung hindi kayang tustusan ng pasyente.

Hinimok din ang mga pet owners na regular na pabakunahan ang kanilang mga alaga upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng kaso at maprotektahan ang komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments