DOH – 7, itinangging “pasaway” sa harap ng pagpapatupad ng Cebu ng “swab test-upon-arrival policy”

Nilinaw ng Department of Health (DOH) sa Central Visayas na hindi sila sumuway sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa harap ng pagpapatupad ng sariling swab test-upon-arrival policy.

Sa interview ng RMN Manila, iginiit ni DOH Region 7 spokesperson Dr. Mary Jean Loreche na ang ipinapatupad nila ay “double safety measure” para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Katunayan aniya, nagsasagawa pa rin naman sila ng swabbing sa day 7 ng home quarantine period ng isang biyahero, alinsunod sa IATF guidelines.


Bukod dito, ikinokonsidera rin aniya nila ang sitwasyon ng mga umuuwing OFW na may ilang linggo lang para makapagbakasyon sa Cebu at mabisita ang kanilang pamilya.

Sa huli, ipinagmalaki ni Loreche ang napakababang numero ng COVID-19 cases ngayon sa Cebu kung saan nasa 19% lamang ang kanilang critical care utilization rate.

Facebook Comments