DOH, aasa muna sa mga donasyon sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19 “FLiRT” variant kasunod ng kawalan ng budget ng pamahalaan

Sa kabila ng pagtaas ng kaso ng bagong COVID-19 variant na “FLiRT”, aasa muna ang Department of Health (DOH) sa mga donasyon kasunod ng kawalan ng budget ng pamahalaan sa pagbili ng bakuna kontra dito.

Ayon kay DOH Spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo, humina na ang immunity mula sa mga naunang bakuna, ngunit nananatili ang ilang residual immunity nito.

Ipinaliwanag naman ni Domingo na ang budget para sa COVID-19 vaccination ay nakabatay sa pangangailangan ng pampublikong kalusugan at ang lagay ng mga kaso sa ngayon ay halos banayad kaya naman ang pangangailangan para sa mgabagong bakuna ay nabawasan.


Dagdag pa ng opisyal, ang bansa ay kasalukuyan ding humaharap sa paglaganap ng tigdas at pertussis dulot ng mababang vaccination rate noong pandemic lockdowns.

Facebook Comments