DOH, aminado sa patuloy na pagtaas ng kaso ng tigdas

Manila, Philippines – Aminado ang Department of Health (DOH) na patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng tigdas sa bansa  kahit na naabot na anila ang halos kalahati sa 3.7 milyong target na bilang ng mga kabataan na nabakunahan ng anti-measles vaccine.

Ayon sa DOH Assistant Secretary Eric Tayag, sa unang araw ng Marso ay nakapagtala na may higit 1,400 bagong kaso ng tigdas mula sa mga rehiyon na nasa ilalim ng measles outbreak kung saan umakyat na sa higit 16,300 ang kaso ng tigdas sa buong bansa mula Enero ng taong kasalukuyan kung sana nasa higit 260 naman na ang nasawi.

Paliwanag ni Tayag mas pinaigting pa nila ang ginagawang mga hakbang ng DOH lalo na at pumasok na ang panahon ng tag-init kung saan mas laganap ang naturang sakit.


Facebook Comments