Inamin ng Department of Health (DOH) na hindi agad mararamdaman ang epekto ng ipinatutupad ngayon na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa DOH, aabutin ng 2-3 linggo bago mapababa ang transmission ng COVID-19.
Iginiit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na layon ng ECQ na mabawasan ang mga naoospital at ang bilang ng mga namamatay dahil sa COVID-19.
Nagbabala ang DOH na mahigit 10,000 na kaso ang patuloy na tumataas sa kada araw kung hindi seseryosohin ang health protocols.
Para naman sa mga hindi aprubado na lumabas ng kanilang mga tahanan ay mahalaga na iwasan ang paglabas sa kanilang tahanan upang mabawasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Facebook Comments