DOH, aminadong hindi inasahan ng Pilipinas ang paglobo ng COVID-19 cases

Aminado ang Department of Health (DOH) na hindi inaasahan ng pamahalaan ang biglaang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kailangang magkaroon ng adjustments matapos luwagan ang restrictions para buksan ang ekonomiya.

Iginiit ni Duque na kapag tumaas ay kailangang huminto para aniyang sayaw na “cha-cha.”


Hindi naman natin alam na papalo ng ganito kataas. So we have to make the adjustments,” sabi ni Duque.

Sa ngayon ang total active COVID-19 cases sa bansa ay nasa 73,264, nasa 561,902 ang gumaling habang nasa 12,900 ang namatay.

Facebook Comments