Aminado ang Department of Health (DOH) na hindi nabibigyan ng karampatang atensyong medikal ang ilang pasyenteng mayroong ibang karamdaman o sakit sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, nangongolekta sila ng mga datos kung gaano kalawak ang problema.
Pagtitiyak ni Vega na tutugunan nila ito sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kapasidad ng mga ospital.
Sinabi rin niya na mahalagang mayroong kakayahan ang mga ospital na magsagawa ng virtual consultation sa mga pasyente para maiwasan ang hawaan ng sakit.
Facebook Comments