Aminado ang Department of Health (DOH) na kulang ang Pilipinas ng nasa 76,000 contact tracers bunsod ng kawalan ng pondo.
Ito ang tugon ng ahensya matapos ihayag ni World Health Organization (WHO) representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe na kailangang palakasin ng bansa ang contact tracing nito para makahabol sa pagpapalawak ng testing capacity.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroon lamang 54,000 contact tracers ang bansa, malayo sa ideal ratio na isang contact tracer sa bawat 800 indibidwal.
Ang mga contact tracers ay dapat graduate ng four-year course para maayos nilang maabisuhan at maipaliwanag sa publiko ang tungkol sa COVID-19.
Mahalaga ring mapagkakatiwalaan ang mga contact tracer.
Dahil sa mababang bilang ng contact tracer, hindi na ikinagulat ng DOH na nahihirapan ang lokal na pamahalaan sa pagsunod sa quarantine protocols at pagkontrol ng COVID-19 cases.