DOH, aminadong maaga pa para luwagan ang quarantine status sa NCR Plus

Hindi pabor ang Department of Health (DOH) na luwagan ang umiiral ngayong restriction sa National Capital Region (NCR) Plus bubble.

Sa interview ng RMN Manila kay DOH Undersecretary Leopoldo Vega, sinabi nito na hindi pa sapat ang mga naitatalang pagbaba ng kaso ng COVID-19 para luwagan ang ipinapatupad na restricted General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila at anim na lalawigan.

Giit ni Vega, kakaunti pa lang ang pagbaba ng COVID-19 cases at minsan ay bigla pa itong tumataas kaya mas mabuting iwasan muna ang mga itinuturing na superspreader event.


Hinihikayat rin ng DOH ang publiko na magpabakuna na dahil ito lamang ang mabisang panlaban sa virus.

Facebook Comments