DOH, aminadong marami ang mga gamot na hindi napakinabangan noong nakaraang taon

Manila, Philippines – Inoobliga na ng Department of Health ang mga ospital na i-ulat sa kanila ang real time count ng mga gamot, upang maagapan ang mga malapit nang mag-expire.

Ito ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, ay kaugnay sa ulat ng COA na higit 300 milyong pisong halaga ng mga gamot noong 2016 ang na expired lamang at hindi napakinabangan.

Ayon kay Tayag, isa sa mga dahilan kung bakit mayroong mga gamot na hindi napapakinabangan ay dahil mayroon talagang uri ng mga gamot ang kailangang naka stock pile o nakaimbak lamang para magamit sa oras ng pangangailangan.


“Halimbawa po yung Dengue umabot ng 20 thousand, so maghahanda ka na ng maraming intravenous fluids at mga ganitong bagay, eh ngayon biglang bumagsak sa 35% ang Dengue sa ating bansa. So kung di po na estimate yun, sosobra ngayon ang imbentaryo mo.”

Sa kasalukuyan, ayon kay Tayag, gumagawa na sila ng paraan para hindi na maulit ang ganito karaming naaksayang gamot, at pinaguulat na rin nila ang mga ospital na agad ipagbigay alam sa DOH kung mayroon silang mga malapit ng magexpire na gamot, upang agad na magawan ng paraan.

Facebook Comments