DOH, aminadong may ilang rural health doctors sa Cebu ang tumangging magpadeploy sa COVID patients

Kinumpirma ng Department of Health na may ilang doktor sa rural health units sa Cebu ang tumatanggi sa redeployment sa mga ospital sa Cebu City na may maraming COVID patients.

Bunga nito, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na patuloy ang kanilang pakikipagdayalogo sa Doctors to the Barrios (DTTB) partikular ang batches 36 at 37 kaugnay ng kanilang deployment sa Cebu City.

Iginiit din ng DOH ang kanilang kapangyarihan sa pagdedeploy ng Doctors to the Barrios.


Una nang nilinaw ng DOH na pansamantala lamang ang naturang redeployment bilang tugon sa emergency situation.

Tiniyak naman ng DOH ang karagdagang benepisyo para sa mga doktor na tutugon sa redeployment.

Samantala, kasabay ng pagdiriwang ng National Organ and Blood Donation Awareness Week ngayong huling linggo ng Hunyo, hinikayat ng Philippine Organ Donation and Transplantation Program ang publiko na magdonate ng organs.

Paliwanag ni Dr. Francisco Sarmiento III, ang isang brain dead donor ay maaaring makasalba ng walong buhay sa pagdodonate ng mahahalagang organs.

Facebook Comments