DOH, aminadong pinakamabilis at pinakamataas ang pagtaas ng COVID-19 cases ngayong buwan ng Enero

Aminado ang Department of Health (DOH) na pinakamalaki at pinakamabilis ang pagkalat ng sakit na COVID-19 ngayong buwan ng Enero 2022.

Inamin ito ni DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman sa pagdinig ng Committee on Health sa Kamara.

Aniya, ang bilis at dami ng bilang ngayong buwan ng mga nagpositibo sa COVID-19 ay higit pa kung ikukumpara sa surge na naranasan noong September 2021 na kasagsagan naman ng Delta variant.


Naobserbahan din ang pagtaas ng mga kaso ng sakit sa maraming rehiyon sa bansa at ito ay itinututro na sa dominant variant ngayon na Omicron.

Magkagayunman, mas mababa pa rin ang severe cases at hospitalization sa Omicron variant kumpara noong buwan ng Agosto hanggang Setyembre 2021 kung saan puno palagi ang bed capacity ng mga pagamutan.

Ngayon aniya ay kinakitaan na ng pagbagal sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 pero malabo pa sa ngayon ang pagbaba ng mga cases.

Facebook Comments