Makikipag-partner ang Department of Health (DOH) sa Asian Development Bank (ADB) para sa isang $125-Million Project na layong palakasin ang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay ADB Country Director for the Philippines Kelly Bird, nakikipagtulungan sila sa DOH para sa pagpapabuti ng testing capacity ng bansa at pagtatayo pa ng karagdagang isolation facilities.
Nakapaloob sa proyekto ang dalawang ‘State of the Art’ laboratories, pagsasanay ng lab technicians, at pamamahagi ng test kits, equipment at supplies sa mga pampublikong ospital.
Umaasa si Bird na maaaprubahan ang proyekto sa susunod na buwan.
Bago ito, ang ADB at DOH ay nagsanib-pwersa na para sa pagtatatag ng laboratoryo sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital na kayang makapagsagawa ng 3,000 COVID-19 test kada araw.
Ang laboratoryo ay kaya ring makapagsagawa ng research sa iba pang virus, genetic disease, at cancer.