Pinasosolusyunan ni Marikina Rep. Stella Quimbo sa Department of Health (DOH) at sa Commission on Audit (COA) ang mahigit 150,000 pang health care workers na wala pang natatanggap na benefits at allowance sa ilalim ng Bayanihan Law.
Ayon kay Quimbo, mayroon na lamang natitirang P368 million na pondo para sa benepisyo ng mga health workers na posibleng ibalik sa national treasury kung hindi magagamit.
Marami na aniya sa mga health worker ang hindi nabigyan ng benepisyo dahil napagod na lang at sumuko sa dami ng hinihinging requirements.
Nagpahayag naman ng kahandaan si COA Chairman Mike Aguinaldo na maaari nilang luwagan ang ilang requirements kung kinakailangan para mabigyan ng nararapat na mga benepisyo at allowances ang healthcare workers.
Maaari aniya silang sulatan ng DOH gaya ng ginawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isyu ng SAP na nagtanong kung pwedeng i-revisit at i-relax ang requirements para sa mga beneficiaries.