DOH at DBM, magsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga nabiling overpriced equipment para sa COVID response

Inilalatag na ang imbestigasyon para sa overpriced equipment na binili ng pamahalaan sa gitna ng pagtugon sa COVID-19.

Pangungunahan ng Department of Health (DOH) at procurement services ng Department of Budget and Management (DBM) ang imbestigasyon.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mayroon na silang nakalap na mga dokumento mula sa kanilang legal services.


Aniya, isinasaayos ang mga dokumento bago nila isumite ang resulta ng imbestigasyon.

Matatandaang nasabon si Duque matapos siyang kwestyunin ng mga senador hinggil sa pagbili ng pamahalaan ng umano ay overpriced equipment para sa COVID-19 testing at personal protective gears, at mahal na PhilHealth testing package.

Ipinagtanggol naman ni Pangulong Duterte si Duque at inako ang responsibilidad sa pagbili ng mga medical supplies.

Facebook Comments