Nagpalabas ang Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) ng joint statement na sumusuporta sa panukala ng Department of Finance (DOF) hinggil sa ban sa mga hindi rehistradong online selling ng sin products tulad ng alak, sigarilyo, electronic cigarettes at iba pang novel tobacco products.
Ito ay bilang pagsuporta na rin sa mahigpit na pagbabawal sa lahat ng uri ng advertising, promotions at sponsorships ng alcohol at tobacco industries.
Layon din anila nito na maprotektahan ang kalusugan ng mga kabataan o ng teenagers hinggil sa madaliang pagbili ng mga alak at sigarilyo via online.
Sa ngayon kasi, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga tindahan ng alak at sigarilyo sa mga menor de edad.
Facebook Comments