DOH at DFA parehong nakapagtala ng bahagyang pagtaas sa bilang ng recoveries sa COVID-19 patients sa bansa at sa ibayong dagat

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 771 na bagong recoveries sa COVID-19 patients sa bansa.

Bunga nito, ang total recoveries ay 254,223.

2,415 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ngayon ay 314,079.


Sa nasabing kaso, ang active cases ay 54,294.

Habang 59 ang bagong binawian ng buhay sa bansa kaya ang total deaths ay 5,562.

Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 18 na bagong recoveries sa hanay ng mga Pilipino sa abroad.

Bunga nito, ang total recoveries na ay 6,745.

5 lamang din ang naitalang bagong kaso sa mga Pinoy sa ibayong dagat kaya ang total cases na ngayon ay nasa 10,539.

Sa nasabing bilang, ang active cases ay 3,001.

Isa namang Pinoy ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 793.

Facebook Comments