
Inatasan ng DILG ang mga lokal na pamahalaan na palakasin ang kanilang mga hakbang hinggil sa sakit na dengue.
Ito’y bilang suporta ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa panawagan ng Department of Health (DOH) upang matugunan ang solusyon sa banta ng dengue.
Kasunod ito ng mga nagdaang bagyo at habagat na dahilan ng mga pagbaha na naglagay sa maraming komunidad sa banta ng mga sakit.
Kabilang sa mga direktiba ng DILG ang pagsasagawa ng clean-up drive para mapuksa ang pinamamahayan ng mga lamok, pag-aalis ng mga naipon na tubig, at paglilinis sa mga kanal at drainage.
Hinimok din ng DOH at DILG ang publiko lalo na ang mga pamilya na panatilihing malinis ang kapaligiran at agad magpakonsulta sa doktor kapag nakakaramas mg sintomas ng dengue.









