Maglalabas ng panibagong price cap ang Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) para sa COVID-19 tests.
Ito ang kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasunod ng ginagawang pag-aaral kaugnay sa bagong presyo ng naturang medical equipment.
Inaasahan namang mailalabas na ang bagong presyo sa mga susunod na linggo.
Sinabi ni Vergeire na kasama sa bagong price cap ang RT-PCR test at ang antigen test.
Sa ngayon, pumapatak sa 1,000 pesos hanggang 3,000 pesos ang halaga ng RT-PCR test at nasa 960 pesos naman ang price cap para sa antigen test.
Facebook Comments