DOH at FDA, nagbabala sa mga nagbebenta ng pekeng bakuna kontra COVID-19; candidate vaccines, sinimulan nang gamitin sa libu-libong tao

Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) laban sa mga nagbebenta ng pekeng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Dr. Eric Domingo ng FDA, naka-alerto na ang kanilang mga ahente laban sa mga nagbebenta ng pekeng Anti-COVID vaccine.

Umapela rin sa publiko ang DOH at FDA na huwag tangkilikin ang mga nag-aalok ng pekeng bakuna at ireport sa kanilang hotlines kapag mayroon silang alam na nagbebenta ng fake Anti-COVID vaccines.


Kinumpirma rin ni Dr. Domingo na sa ngayon ay 166 na ang candidate vaccines para sa COVID-19.

140 sa mga ito ay na-testing na sa mga libu-libong hayop at tao.

Batay din sa update mula sa Department of Science and Technology (DOST), anim na candidate vaccines ang isinasailalim ngayon sa clinical trial sa Pilipinas.

Bukas na rin ang FDA sa pagtanggap ng mga aplikasyon para sa mga nais magsagawa ng clinical trials para sa COVID vaccines.

Nilinaw naman ng DOH na ang protocols nila sa recovered patients ay hindi na kailangan ng repeat testing ng suspect, probable at confirmed cases para siya ay madischarge or masabing nakarecover na.

Facebook Comments