Walang balak ang Department of Health (DOH) at ang Food and Drug Administration (FDA) na ipatigil ang pagtuturok ng AstraZeneca sa bansa.
Sa harap ito ng pagpapatigil ng European Union sa paggamit ng COVID-19 vaccine na AstraZeneca dahil sa pamumuo raw ng dugo o bloot clot na dinanas ng ilang naturukan nito sa Europe.
Ayon sa DOH at DFA, masusi nilang mino-monitor ng National Task Force (NTF) ang mga bakunang pinadala sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Nilinaw rin ng DOH at FDA na mismong ang European Medicine Authority (EMA) ang nagsabi na wala pang katibayan na ang nasabing bakuna ang naging dahilan ng blood clot ng mga naturukan nito sa Europe.
Nanindigan din anila ang Pharmacovigilance Risk Assessment Committee (PRAC) ng European Medicines Agency na malaki ang tulong ng bakuna para maiwasan ang mga kritikal na kaso ng COVID-19 kaya tuloy ang pagbibigay nito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa sinasabing thromboembolic events.
Ang PRAC ay ang komite ng European Medicines Agency na siyang responsable sa pag-assess at pag-monitor ng kaligtasan ng mga gamot.