Magpupulong ang Department of Health (DOH) at ang Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa mga irerekomendang pagbabago.
Kasunod ito ng deklarasyon ng World Health Organization (WHO) na hindi na global health emergency ang COVID-19.
Partikular na pag-uusapan ng DOH at IATF ang mga ipapatupad na panuntunan hinggil sa COVID-19 sa mga susunod na araw.
Tiniyak naman ng DOH na kanilang ikokonsidera ang lahat sa gagawin nilang mga desisyon.
Iginiit naman ng DOH ang pagsang-ayon nito sa pahayag ng WHO na nananatiling banta ang COVID-19 kaya dapat pa ring maging maingat ang publiko.
Patuloy ring mino-monitor ng DOH ang mga bagong kaso ng infection sa bansa.
Facebook Comments