DOH at LGUs, dapat magtulungan sa ibayong pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa monkeypox

Iginiit ni Davao City 1st District Representative Paolo Duterte sa Department of Health (DOH), mga lokal na pamahalaan at mga civic organization na magtulungan para mapag-ibayo ang pagpapakalat ng tamang impormasyon ukol sa monkeypox.

Ang apela ni Duterte ay makaraang maitala ang unang kaso ng monkeypox sa bansa.

Paliwanag ni Duterte, mahalagang maipabatid sa mamamayan sa mga sintomas ng monkeypox, paano ito natutukoy, nakahahawa at tamang paraan ng paggamot.


Ayon kay Duterte, ang information drive ukol sa monkeypox ay kailangang maipaabot sa bawat komunidad sa mga opsiyal at kasapi ng barangay.

Diin ni Duterte, ang tamang edukasyon ukol sa monkeypox ay pangkontra sa mga maling kaalaman na maaring maging batayan ng pagwawalang bahala ng publiko na magreresulta sa pagkalat ng sakit.

Facebook Comments