DOH at mga concern agencies, nakaalerto na sa pagdating sa Albay ng isang tugboat at barge na galing sa Indonesia

Nakaalerto na ang Department of Health (DOH), Bicol Regional Task Force on COVID-19 at Regional Disaster Risk Reduction and Management Council sa pagdaong ng isang tugboat at barge na galing ng Indonesia.

Ayon kay Region 5 Office of Civil Defense Spokesperson Gremil Naz, nakatakdang dumaong ang M/V Tug Clyde at Barge Claudia sa isang private port sa Sto. Domingo, Albay bukas ng alas 5:00 ng hapon kung saan labing dalawa (12) sa 20 crew nito ay positibo sa COVID-19.

Bunsod nito sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na nakaantabay na ang concern agencies kabilang ang Bureau of Quarantine para malaman ang lagay ng mga crew na nagpositibo.


Ayon kay Vergeire, sa sandaling dumaong ang tugboat at barge ay agad na isasailalim sa test at genome sequencing upang malaman kung apektado ang mga ito ng Delta variant.

Galing ng Indonesia ang tugboat at barge at dumating noong Huwebes, sa port of Butuan at ngayon ay naglalayag na papuntang Albay.

Facebook Comments