Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) at National Task Force (NTF) sa Local Government Units (LGUs) sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Odette.
Layon nito na malaman ang kondisyon ng mga bakuna at ng mga imbakan ng COVID-19 vaccines sa naturang mga lugar.
Partikular na ginagawa ng DOH at NTF ang assessments sa Regions VI, VII, VIII at CARAGA.
Sa ngayon, 13 rehiyon sa Luzon at Mindanao ang walang naitalang nasayang na mga bakuna at walang napinsalang cold storage facilities.
Sa ngayon ay suspendido muna ang Bayanihan, Bakunahan – Phase 2 sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.
Nakipag-ugnayan na rin ang DOH sa Department of Energy (DOE), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Office of Civil Defense para mapabilis ang pagbabalik ng supply ng kuryente sa mga binagyong lugar.