DOH at PhilHealth, dapat bilisan ang pagsama ng saliva test sa benefit package – PH Red Cross

Iginiit ng Philippine Red Cross (PRC) na dapat maisama agad sa benefit package ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang saliva-based RT-PCR test.

Ayon kay PRC Chairperson Senator Richard Gordon, mabagal ng aksyon ng Department of Health (DOH) at ng PhilHealth sa hiling nila.

Kinuwestyon ni Gordon kung bakit hindi pa ito isinasama ng DOH sa benefit package lalo na at mas mura ang halaga nito.


Para kay Gordon, walang ‘sense of urgency’ ang DOH at PhilHealth.

Sa ngayon, ang PhilHealth benefits para sa COVID-19 swab test package ay mula sa ₱901 hanggang ₱3,409.

Ang PRC ay nakapagsagawa na ng halos 30,000 saliva test.

Facebook Comments