DOH at PRC, pinaplantsa ang planong pagsasagawa ng board exam para sa mga doctor sa Setyembre

Makikipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa Professional Regulations Commission (PRC) para matiyak ang mga plano sa nakatakdang board examinations para sa mga physician o doctor sa Setyembre.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagama’t ipinagbabawal ang mass gathering, kailangang may ipapatupad na pamantayan sakaling ituloy ito.

Aminado rin si Vergeire na malaking hamon na tiyaking wala sinumang tatamaan ng COVID-19 sa exam kung saan libu-libo ang kukuha nito.


Nabatid na kinansela nitong Marso ang licensure examinations na itinakda para sa mga doktor.

Batay sa abiso ng PRC, ang physicians ay nakatakdang kumuha ng kanilang board exams sa September 13 hanggang 14 at September 20 hanggang 21.

Facebook Comments