DOH, babantayan ang close contacts ng dalawang nagpositibo sa COVID-19 Indian variant

Inaalam na ng Department of Health (DOH) ang health status ng close contacts ng dalawang returning overseas Filipinos (ROFs) na tinamaan ng B.1.617 variant ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 32 close contacts ang natukoy – na mga kapwa pasahero ng dalawang seafarers sa eroplano.

Isang 37-anyos na seafarer ang umuwi galing Oman noong April 10 at nagkaroon ng anim na close contact sa eroplano, habang isang 56-anyos na seafarer mula sa United Arab Emirates ang umuwi nitong April 19 at mayroong 26 na pasahero ang nakasalamuha niya sa loob ng eroplano.


Nasa proseso na ang DOH sa pagkuha ng swab test results ng close contacts.

Una nang sinabi ng DOH na mas nakakahawa at nakamamatay ang B.1.617 variant na unang nadiskubre sa India.

Sa ngayon, nasa 42 bansa na ang mayroong kaso ng naturang variant.

Facebook Comments