DOH Bicol region, handang-handa na para sa random drug test

Bicol Region – Handang-handa na ang Department of Education sa Bicol Region sa ipatutupad na random drug test sa lahat ng kawani nito sa buong bansa.

Sa unang linggo ng buwan ng Setyembre, nationwide ipapatupad ang random drug test sa lahat ng tauhan nito at sa lahat ng estudyante para linisin ang hanay ng Department of Education at patunayang wala nang gumagamit ng iligal na droga.

Ayon kay DepEd Regional Director Ramon Abcede, ito na ang pagkakataon para maging matapat sa pagsisilbi at pagbibigay ng edukasyon ang departamento sa mga kabataan sa bansa.


Facebook Comments