DOH bigo para pigilan ang nCoV ayon sa Public Health expert

Dismayado ang dating Department of Health (DOH) Assistant Secretary Dr. Francisco Cruz sa pamunuan ng DOH na tugunan ang lumalalang problema ng pagpasok ng Novel Coronavirus-Acute Respiratory Disease (nCoV-ARD) sa bansa.

Sa ginanap na forum sa Club Filipino San Juan City sinabi ni Dr. Francisco Cruz Public Health expert at dating Assisstant Secretary ng DOH na mabagal ang pagtugon ng DOH upang tuluyang mapigilan ang mga nahahawa ng nakamamatay na virus.

Paliwanag ni Dr. Cruz mayroong mga listahan ng mga Chineses na galing sa Wuhan  ang PAGCOR, POGO at iba pang mga ahensiya ng gobyerno ang mga pangalan ng Tsinoy na dapat alamin at kuhanin ng DOH pero wala umanong ginagawang hakbang ang Health Department para agad mapigilan nag pagkalat ng nCoV virus sa bansa.


Giit ni Dr. Cruz matagal ng kumalat sa Wuhan ang nCoV virus pero hindi nila alam  ang naturang virus kung saan karamihan na pumupunta sa POGO ay posibleng nahawa na ng nakamamatay na virus na dapat napigilan kung naaksyunan kaagad ng DOH.

Facebook Comments