DOH, bigo para pigilan ang nCoV ayon sa Public Health expert

Dismayado ang dating Department of Health (DOH) Director Dr. Francisco Cruz sa pamunuan ng DOH na tugunan ang lumalalang problema ng pagpasok ng novel oronavirus-Acute Respiratory Disease (nCoV-ARD) sa bansa.

Sa ginanap na forum sa Club Filipino San Juan City sinabi ni Dr. Francisco Cruz, Public Health expert at dating Director ng DOH, na mabagal ang pagtugon ng DOH upang tuluyang mapigilan ang mga nahahawa ng nakamamatay na virus.

Paliwanag ni Dr. Cruz, mayroong mga listahan ng mga Chinese na galing sa Wuhan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) at iba pang mga ahensiya ng gobyerno ang mga pangalan ng Tsinoy na dapat alamin at kuhanin ng DOH pero wala umanong ginagawang hakbang ang health department para agad mapigilan nag pagkalat ng nCoV sa bansa.


Giit ni Dr. Cruz, matagal ng kumalat sa Wuhan ang nCoV pero hindi nila alam ang naturang virus kung saan karamihan na pumupunta sa POGO ay posibleng nahawa na ng nakamamatay na virus na dapat napigilan kung naaksyunan kaagad ng DOH.

Facebook Comments