Nabigo ang Department of Health (DOH) na magamit ang P306.73 million pondo na inilaan para sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) noong 2020.
Batay sa audit report ng Commission on Audit (COA), 84.71% lamang ng Health Emergency Preparedness and Response Fund ng DOH ang nagamit, 86.98% ng Quick Response Fund at 76.39% ng Calamity Fund.
Ayon sa COA, ang DOH ay naglaan ng P1.39 billion pondo para sa Health Emergency Management Program noong 2020.
Nakitaan din ng COA ng maling paggamit ng Calamity Funds para sa procurement activities, kawalan ng face-to-face training, travel restrictions, at iba pa.
Maliban dito, nakita rin ng COA na ang mga transaksyon ng DOH na nagkakahalaga ng P45.85 billion ay hindi suportado ng kumpletong dokumentasyon at nabigo rin ang kagawaran na magamit ang P59.12 billion pondo nito mula sa 2020 budget.