DOH: Bilang ng healthcare workers na dinapuan ng COVID-19, sasampa na sa halos 2,000

Umakyat na sa 1,991 ang bilang ng healthcare workers na tinamaan ng COVID-19.

Ayon sa Department of Health (DOH), kinabibilangan ito ng 753 nurses, 628 doctors, 127 nursing assistants, 72 medical technologists, 39 radiologic technologists at 158 na iba pang non-medical workers.

Nasa 544 health workers na ang nakarekober mula sa sakit.


Ang iba pang 1,413 na aktibong kaso ay sumasailalim sa treatment o quarantine.

Mula sa nasabing bilang 999 ang mild cases, 407 ang asymptomatic at pito ang nasa severe condition.

Sa kabila nito, walang naitalang health worker na namatay ang DOH sa loob ng higit isang linggo.

Nananatili pa rin sa 34 ang bilang ng healthcare workers na namatay mula pa noong May 2.

Facebook Comments