DOH, binabantayan ang post-holiday COVID-19 surge

Sinimulan na ng Department of Health (DOH) ang monitoring ng posibleng surge ng COVID-19 cases mula noong holiday season.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, malalaman sa case trend ngayong linggo kung ang holiday season ay nagdulot ng surge ng infection.

Paalala ni Vergeire na hindi tataas ang kaso kung sumusunod lamang ang publiko sa minimum health standards.


Batay sa bagong case bulletin, ang Davao City ang may pinakamataas na bagong kaso na may 134, kasunod ang Cagayan na may 100, Quezon City na may 99, Leyte na may 93 at Cavite na may 75 new cases.

Facebook Comments