DOH, binalaan ang publiko hinggil sa pekeng website gamit ang pangalan ng kanilang kagawaran

Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko sa pekeng website na ginagamit ang kanilang pangalan kung saan naglalabas ito ng mga pahayag ng kagawaran.

Sa abiso ng DOH, hindi nila hawak o wala silang koneksyon sa nasabing pekeng website na ini-edit pa ang mga pahayag ng kanilang opisyal.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang DOH sa ibang ahensiya ng gobyerno para matunton at makilala ang nasa likod ng pekeng website.


Binalaan din ng DOH ang mga gumagawa nito na handa silang magsampa ng kaso para mapanagot sila sa batas lalo na’t inililihis ang dapat malaman ng publiko.

Matatandaan na nitong nakaraang buwan, nagkaroon rin ng pekeng Facebook pages ang DOH na nag-aalok pa ng Pre-Service Scholarship Program (PSSP) kung saan inaalam pa rin kung sino ang gumawa nito.

Facebook Comments