DOH, binalaan ang publiko hinggil sa social media pages na gumagamit ng Malasakit Program

Walang pautang na ipinagkakaloob ang Malasakit Program Office sa mga nais lumapit dito.

Ito ang babala ng Department of Health (DOH) sa publiko lalo na’t may gumagamit ng pangalan ng Malasakit Center para manloko.

Giit ng DOH na peke ang mga social media page na kumakalat hinggil sa sinasabing pautang at wala silang kaugnayan sa kagawaran.


Kabilang sa ipinakita ng DOH na halimbawa ng pages na ito ang may pangalang Malasakit Center Corporation na gamit ang logo ng lehitimong Malasakit Center ng gobyerno at Malasakit Lending Corporation.

Kaugnay nito, handa ang DOH na maghain ng reklamong kriminal kapag magpapatuloy ang mapanlinlang na post lalo na’t ang Malasakit Center ay ang one-stop-shop centers para sa tulong medikal at pinansiyal ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments