Binalaan ng Malacañang ang mga opisyal ng Department of Health (DOH) na posibleng suspendihin sakaling hindi pa rin ilabas ang hazard pay at iba pang benepisyo ng mga medical workers.
Matatandaang noong Oktubre, pinatawan ng Ombudsman ng six-month preventive suspension ang ilang opisyal ng DOH dahil sa kaparehong isyu.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, huwag nang galitin pa si Pangulong Rodrigo Duterte at kung maaari ay ilabas na agad ang pondo para sa sahod ng mga medical workers.
Giit pa ni Roque, nakapaloob sa Bayanihan to Heal as One act 1 at 2 ang paglalabas ng pondo bilang kabayaran sa lahat ng sakripisyo ng mga frontliners.
Batay sa tala ng Filipino Nurses United, umabot na sa 30,000 health workers ang hindi pa nakakatanggap ng ilan buwang sahod, hazard pay at special risk allowance.