Binigyan ni Health Secretary Francisco Duque III ng grading 9 hanggang 10 ang pagresponde ng kagawaran sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Duque, ito ay dahil na rin sa pagsisikap, matinding trabaho at sinseridad sa pakiki-bahagi o pagtulong sa pamahalaan sa COVID-19 response.
Aniya, mahigit 1,020 DOH issuances na rin ang nailabas bilang pagtugon o suporta sa COVID-19 response.
Bagama’t hindi madali ang trabaho sa gitna ng pandemya at may ilang pagkakamali at shortcomings, sinabi ni Duque na tuloy pa rin ang kanyang trabaho bilang kalihim ng DOH at Chairman ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Ang mga pagkakamali aniya ay nagsisilbing leksyon para maging matagumpay ang tugon sa COVID-19 pandemic.
Kasabay nito, sinaluduhan din ng kalihim ang lahat ng taga-DOH lalo na ang mga doktor.