DOH, binigyang katwiran ang pagpapapasok ng mga dayuhan sa bansa

Dinipensahan ng Department of Health (DOH) ang pagpayag ng pamahalaan na tumanggap o magpapasok ng mga dayuhan sa Pilipinas.

Sa presscon sa Malacañang, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na base sa pag-aaral ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 variants, nakita na ang mga returning Filipino na kung saan na-detect na may Omicron variant ay hindi galing sa kanila ang nangyayaring community transmission sa bansa.

Mababa rin aniya ang kaso o insidente na nagpopositibo ang mga returning Filipino at lumalabas na mas mataas pa ang transmission o hawahan sa mismong mga komunidad kumpara sa mga galing ng ibang bansa.


Kung kaya’t inirekomenda na ng mga eksperto na luwagan ang mga restriction sa pagtanggap ng mga biyahero galing sa ibang mga bansa kabilang na ang mga dayuhang turista.

Kasunod nito, wala naman aniyang dapat na ipag-alala sapagkat may mga protocols namang dapat na sundin ang mga dayuhang turista na tutungo ng Pilipinas.

Facebook Comments