DOH, blangko pa rin kung saan nagmula ang UK variant ng COVID-19 sa Bontoc, Mt. Province

Patuloy na inaalam ng Department of Health (DOH) kung saan nagmula ang UK variant ng COVID-19 sa Bontoc, Mountain Province.

Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, may 8 returning overseas Filipinos ang natukoy nila na bumalik sa bansa at umuwi sa Cordillera Administrative Region pero hindi pa nila tiyak kung ang mga ito ba ay positibo o negatibo sa COVID-19.

Hinahanap pa aniya nila ang resulta ng ginawang swab test sa mga ito pagdating nila sa bansa.


Sa ngayon, mayroong 12 kaso ng UK variant sa Bontoc habang mayroon din sa La Trinidad, Benguet.

Ayon kay Vergeire, nasa 615 contacts na ng mga ito ang natukoy ng contact tracing team sa rehiyon.

Una rito, isang Pinoy na galing sa United Kingdom ang itinuring na index case ng DOH, pero kalaunan ay nilinaw nila na bagama’t positibo ito sa virus ay negatibo naman siya sa UK variant.

Facebook Comments