DOH, bukas sa anumang incentive programs para mapalakas ang COVID-19 vaccination

25

Malugod na tinatanggap ng Department of Health (DOH) ang mga inisyatibo ng ilang Local Government Units (LGUs) na magpatupad ng incentive programs para mahikayat ang kanilang mamamayang magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pagbibigay ng insentibo ay bahagi ng istratehiya para mahimok ang mga tao.


Aniya, wala silang nakikitang mali rito.

Pero sinabi ni Vergeire na nasa tao pa rin ang pagpapasya kung gusto nilang magpabakuna o hindi.

Ang DOH ay plano ring bumuo ng sariling incentive program para hikayatin ang mga tao na magpabakuna.

Facebook Comments