DOH, bukas sa pagsasagawa ng clinical trials ng COVID-19 vaccines sa mga bata

42

Bukas ang Department of Health (DOH) sa ideyang magsagawa ng clinical trials ng COVID-19 vaccines sa mga bata.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinag-uusapan na ito ng DOH, Department of Science and Technology (DOST) kasama ang ilang local health experts.


Maganda aniya na magkaroon ng sariling clinical trials ang bansa para sa mga kabataan.

May ilang vaccine manufacturers din ang naghayag ng intensyong magsagawa ng clinical trials.

Gayumpaman, hindi pa rin inirerekomendang isama ang mga bata sa mga prayoridad sa COVID-19 vaccination program.

Facebook Comments