DOH, bukas sa pagsasagawa ng pooled testing

Bukas ang Department of Health (DOH) sa rekomendasyon na magsagawa ng pooled testing para sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang konseptong ito ay naaprubahan na sa executive committee ng DOH.

Hinihintay na lamang ang resulta ng pilot study na ginagawa ng Philippine Society of Pathologist bilang proof of concept sa pooled testing.


Nabatid na target ng DOH na makapagsagawa ng 1.5 million COVID-19 test hanggang sa katapusan ng Hulyo.

Facebook Comments