Gumagawa na ang Department of Health (DOH) ng guideline para sa pagtuturok ng magkaibang brand ng bakuna sa una at ikalawang dose.
Kasunod ito ng pagpapabawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 1,000 Sinopharm vaccine sa China.
Ayon kay Food and Drug Administration Director General Eric Domingo, inaaral na ng mga health expert kung maaring magpaturok ng magkaibang brand ng bakuna sakaling hindi available ang unang binakuna.
Matatandaang ang Sinopharm ang itinurok kay Duterte kahit wala pa itong Emergency Use Authorization (EUA) sa bansa.
Facebook Comments