Bumuo na ang Department of Health (DOH) ng interim mental health division na siyang tutugon sa tumataas na kaso ng mga nagkakasakit o nagkakaroon ng mental health problems dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, binuo ang interim mental health division noon pang nakaraang taon.
Sa kasalukuyan ay mayroon na silang 6 personnel at humiling na rin sila sa DBM ng pondo para sa mga dagdag pang plantilla positions.
Ang P100 million naman na pondo para sa mental health sa 2021 ay mas nagamit para sa pagbili ng gamot ng mga pasyenteng na-diagnose na may mental health problem.
Giit ni Marikina Rep. Stella Quimbo na bigyang importansya ang mental health programs ng pamahalaan dahil marami na sa mga Pilipino ang nakakaranas ng problema sa mental health lalo pa’t maraming negatibong epekto ang mahabang lockdown sa bansa.