DOH-CHD1, HINIKAYAT ANG MGA RESIDENTE NG REGION 1 NA MAGDONATE NG ORGAN

Nanawagan ang Department of Health-Center for Health Development Region 1 sa mga residente ng rehiyon na maging donor ng organ para masagip at madugtungan pa ang buhay ng libo-libong Pilipinong nangangailangan ng organ transplant.

Ayon kay Mr. Francisco De Vera, Nurse V ng DOH-CHD1, sa buong Pilipinas mayroon umanong 149 na indibidwal ang nangangailangan ng organ donation o nasa waiting list upang mabigyan ng organ.

Aniya, maging ang patay ay maaari ng makapag donate ng kanilang organ sapagkat isang donor umano walong buhay ang maisasalba nito.


Ang donasyon umano mula sa patay na tao ay nakasaad sa Organ Donation Act of 1991. Ilan lamang umano sa mga organ na maaaring idonate ay puso, liver, pancreas, parte ng mata at iba pa.

Maari umanong makipag ugnayan sa kanilang tanggapan kung ninanais na maging donor.

Facebook Comments