DOH-CHD1, NANANAWAGAN SA PUBLIKO NA MAGPATUROK NG BOOSTER SHOTS; BAKUNADO NG BOOSTER PUMALO SA HIGIT 700K

Aabot sa 764,477 residente ng Ilocos Region ang nakatanggap ng kanilang mga booster shot laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) hanggang sa ikalawang linggo ng Mayo.

Sa inilabas na datos ng Department of Health Center for Health Development sa Ilocos Region (DOH-CHD-1), mayroong 3.6 milyong residente sa rehiyon ang ganap na nabakunahan, o 84 porsyento ng kabuuang target na populasyon ng Rehiyon.

Patuloy naman umanong bumababa pa rin ang takbo ng mga kaso ng Covid-19 sa rehiyon na may tatlo lamang na average na kaso o 5 percent na mas mababa kaysa sa mga naitala na kaso noong unang linggo ng Mayo.

Ang non-intensive care unit (ICU) bed utilization rate ay nasa 11 percent, o 175 sa 1,547 non-ICU beds ang ginagamit.

Nauna nang iniugnay ni DOH-CHD-1 Covid-19 focal person Dr. Rheuel Bobis na ang patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID19 ay dahil sa mataas na saklaw ng pagbabakuna.

Kaugnay pa nito ay hinihikayat ng ahensiya ang mga ganap na nabakunahan na kumuha ng kanilang mga booster shot upang mapagtibay ang kanilang proteksyon laban sa Covid-19.

Dagdag pa nito na patuloy na sundin ang health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask habang nakasailalim sa Alert Level 1 ang Region 1 hanggang huling Linggo ng buwan ng Mayo. | ifmnews

Facebook Comments