Hinangaan at pinuri ng Department of Health-Center for Health Development Region 1 ang ginagawang implementasyon at aksyon ng mga Local Government Units sa ‘zoning containment strategy’ ng mga ito na kabilang sa best practices para tuluyang mapababa ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa kani kanilang mga nasasakupan.
Sinabi ni Dr. Rheuel Bobis, COVID-19 Focal Person ng DOH-CHD1, ang ginagawang pagtukoy ng mga LGUs sa isang partikular na lugar sa bayan at munisipalidad bilang high risk at pagsasailalim sa granular lockdown ay nakitang malaki ang naging gampanin nito upang maiwasan na mas kumalat pa at mas marami pa ang maapektuhan dahil sa maaaring transmission ng mga ito.
Malaki din umano ang naging parte ng mas pinalakas pa vaccination programs ng mga LGUs kung saan ay gumagawa na sila ng mga iba’t ibang pakulo upang maabot ang mga residente kahit pa sa mga pinakamalalayong lugar.
Binigyang diin ni Bobis na ang mataas na vaccine coverage sa pagpapabakuna kontra COVID-19 ay pagsiguro naman na hindi magkakaroon ng COVID19 infections lalo na ngayong mas maluwag na ang ilang quarantine restrictions.
Sa huli, ipinaalala nito sa publiko na hindi pa panahon para magpa kampante at ugaliin parin ang pagsunod sa health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask. | ifmnews
Facebook Comments